top of page

Best of 2014 p2

 

Huli na ang lahat

 

"Ganun talaga siguro no? Kapag wala na yung tao saka lang natin narerealize kung gaano siya ka halaga sa buhay natin."

Malaki ang galit ko sa mama ko dahil noon pa man, sinisi ko siya sa pag alis ng papa ko.Grade 6 ako non tandang tanda ko pa.

Sa araw araw palagi kong sinisisi ang mama ko sa nangyare. Natuto akong mag rebelde sa kanya. Umaalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam. Di ako umuuwi. Wala akong pakialam kung nag aalala na siya habang ako..., nag papakasaya kasama ang mga barkada ko.

Isa lang akong anak kaya pag wala ako sa bahay, walang kasama ang mama ko. Ang dami dami kong kasalanan na nagawa sa kanya na lubos kong pinag sisisihan ngayon.

Naalala ko pa noong highschool ako. Humihingi ako ng tuition fee pero sa DOTA at marijuana ko lang ginastos. Nalaman nya yun ng isinumbong ako ng kaklase ko. Hinihintay kong pagalitan nya ako pero hindi nya ginawa. Wala syang nagawa kundi bayaran nalang ulit ang tuition fee na ginasta ko. Meron pang araw na pinatawag siya sa school dahil sa pakikipag basag ulo ko. Pinipilit akong humingi ng tawad ng teacher ko sa parent ng kaaway ko pero hindi ko ginawa. Ang mama ko ang humingi ng tawad sa kanila habang umiiyak.

Kahit kailan hindi ako pinagalitan ng mama ko. Di ako nakarinig ng pag sermon o pangaral sa kanya despite sa mga nagawa kong mali.

Kapag nireregaluhan nya ako twing bday ko hindi ko tinatanggap. Nag papaskong mag isa ang mama ko sa bahay habang ako nasa bahay ng girlfriend ko.

(tang ina naiiyak ako. di ko maiwasang hindi maiyak sa pagka guilty)

Never ko siya inisip. Never ko siyang sinabihan na mahal ko siya. Never ko rin siyang binati ng happy mother's day o happy birthday. Kahit minsan hindi ako nagkaroon ng pake sa kanya. (Ang sama kong anak noh? Sobrang sama.)

Hanggang sa nakagraduate ako ng college with latin honor. Kitang kita ko kung gaano siya ka saya at ka proud. Pinag handa nya pa ako noon pero nagalit pa ako. Pumasok sya sa kwarto ko para sabihan ako ng "Congratulations anak. Proud ako sayo" pero di ako umimik at nag patuloy sa pag DODOTA.

Gabi gabi kong naririnig ang mama ko na umiiyak sa kwarto nya. Alam kong ako ang dahilan ng mga pag iyak nya.

(Lubos kong pinagsisisihan ang lahat ng yon. Sobrang saket. Sobrang saket talaga na isipin kung gaano nya ako minahal kahit na ganon ako makitungo sa kanya. Tinrato ko siyang katulong at hindi Ina.)

August. 23, 2004
Ang saya saya ko ng makita ko sa listahan na pumasa ako sa board exam.

Pero ilang sandali, nakatanggap ako ng tawag mula sa tita ko.

Ibinalita sa akin na ang mama ko ay nasa ospital, ilang sandali nalang daw pwede na siyang mawala. Sa sobrang taranta at kaba nabitawan ko ang cellphone ko at agad kumaripas ng takbo.

Nanglumo ako sa nakita ko. Yung mama ko nag hihingalo na at nakaratay sa ospital. Meron pala syang sakit na hindi ko alam. Naluluha ako na nakikita siyang nahihirapan ng huminga.

*Lumapit ako sa kanya habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.*

Hinawakan nya ang kamay ko. At sinabing

"Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo ako kung ako ang naging dahilan para magkalayo kayo ng papa mo. Alam ko sobrang laki ng galit mo sakin pero sana patawarin mo ako."

*Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
Iyak ako ng iyak.*

"Ma, nakapasa ako sa board. Mahal na mahal kita. Wag mo akong iwan ma. frown emoticon patawarin mo ko mama!!"

Hanggang sa tumunog ung machine at naging flat ang linya.

Sigaw ako ng sigaw at pilit siyang ginigising.

Wala na syang malay. Iyak ako ng iyak. Niyakap ko lang siya ng halos 3 oras hanggang sa pinipigilan na ako ng mga nurse. Aalisin na raw ang mama ko. cry emoticon

Ang sakit. Sobrang sakit! Hindi ko minsan naisip na mangyayari ang araw na yun.

Sobrang laki ng pagsisisi ko. Bakit huli ko na sinabi. Bakit hindi ko ipinaramdam sa kanya nung nandyan pa siya. frown emoticon

Hanggang ngayon gabi gabi akong humihingi ng tawad sa kanya. Araw araw akong dumadalaw sa puntod nya para pag dalan sya ng pagkain. Para kausapin, para kwentuhan. Gawin ung mga bagay na hindi ko nagawa noon.

"Mama sobrang mahal kita. Ang mawala ka ang pinaka naging worst na araw sa buhay ko. Patawarin mo ko dahil naging walang kwenta akong anak. Mama ikaw ang pinaka magandang regalong natanggap ko sa buhay ko. Lahat ng natatanggap ko ngayon ay utang na loob ko sayo. I love you mama. Sorry."

Sa mahabang panahon nalaman ko din ang dahilan ng pag alis ni papa. Sinabi sakin ang lahat ng tita ko. Tatay ko daw pala ang may gustong umalis para sumama sa ibang babae.

Mas lalo akong nasaktan dahil hindi naman pala kasalanan ng mama ko. Pero siya ang sinisi ko.

Ngayon may asawa at anak na ako. Hinding hindi ako papayag na maranasan ng mga anak ko ang nga nangyari sakin. Minamahal ko sila ng sobra sobra.

Alam kong masaya na si mama sa taas. Alam kong masaya narin siya sa buhay ko ngayon. Pero hindi parin maaalis sa akin ang guilt kapag naaalala ko siya.

"Sana kayo pahalagahan nyo ung parents nyo habang kasama nyo pa sya ngayon. Wag kayong tutulad na mga nagawa ko dahil hindi natin alam kung kailang magiging huli ang lahat. Mahalin nyo sila at ipakita nyo sa kanila yun."

Salamat sa pag babasa.

Son
2002
IAS

Pagtrato sa babae

 

Take time to read.

"Yung simple lang. Hindi sobra. Yung hindi rin kulang. Yung sapat lang.

Yung sapat lang yung nalalaan kong oras ko sa kanya. Yung sapat lang na andito ako kapag kinailangan nya. Gusto ko kasi kapag may isang bagay na gumugulo sa isip nya, gusto ko nandon ako para sagutin ang mga katanungan nya. Kapag dinadalaw sya ng antok, gusto ko nandon ako para meron syang balikat na masasandalan. Kapag nabibigatan sya, bubuhatin ko ang mga dala nya. Ngingiti ako para sakanya. Maging taga-sundo man ako. Maghintay man ako kung minsan ng matagal sa pagdating nya, hahabaan ko ang aking pasensya.. Kapag nilalamig sya, ipapahiram ko sakanya ang jacket ko at hahawakan ko ang mga kamay nya. Hindi ko sya ikukumpara sa ibang babae dahil gusto ko maramdaman nyang isa syang prinsesa. Isang prinsesa sa isang istorya ng simpleng lalaking katulad ko. Mukha man baduy.. Pero.. Ganun talaga eh. Asahan mo na pag nagmahal ka magiging baduy ka at okay lang maging baduy ako para sakanya..

Alam nyo, ang mga babae.. Marami silang kwento. Kung anu-ano. May pagka-weird minsan… Pero, basta! Makinig ka na lang. Ayaw kasi nila ng nai-stock ang isang storya sa mga utak nila eh. Basta, kapag kinailangan nya ng tengang makikinig, balikat na masasandalan, kamay na mahahawakan at isang tao na magpaparamdam sakanya na hindi sya nag-iisa, nandito ako para sakanya.

Mukhang alalay ba? O P.A.? Hindi ko nakikita ang sarili ko na ganun. Dahil kahit sabihin mo pa na simpleng bagay lang ang lahat ng ito. Malaking bagay ito para sakanya. Malaking bagay ito para sa pagsasama namin.

Ako…. Mahilig ako maglaro. Maglaro ng kung anu-ano. Hindi ko hahayaang guluhin ako ng kahit na sino sa mga bagay na pinaglilibangan ko. Pero, pagdating sakanya. May oras pa rin talaga ako para magreply, may oras pa rin ako para sabihin sakanya kung ano ang ginagawa ko sa mga oras na yun at alam ko tanggap nya yun. At alam ko hindi yun magiging dahilan para magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.

Kasi alam nyo, ang computer, basketball o kahit ano pa… Parte na yun ng mga buhay ng lalaki eh. At hindi naman ako gago para ikumpara sya sa mga larong ito. At lalong hindi ako tanga para ipagpalit sya sa mga bagay na iyon. Kasi sa lahat ng bagay na meron ako sa buhay ko…. Iisa sya sa pinaka-iingat ingatan ko. Bakit kamo? Wala eh. Mahal ko eh!

Alam nyo, gasgas na gasgas na sabihin ang mga salitang “masaya ako kapag masaya sya.” Masaya naman talaga. Pero hindi mo naman ito kailangan ulit ulitin pang sabihin sakanya at kung kanikanino pang tao. Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan sabihin lahat ng gagawin ko para sakanya. Para kasi saken, ayokong magbitaw ng mga salitang hindi ko kayang tuparin. Ayoko syang paasahin sa mga pangako. Sa mga pangakong alam kong imposible ko pang magawa sa ngayon.

Pero alam nyo, tawagin nyo man akong duwag, okay lang. Basta, ayokong maramdaman nyang umaasa sya sa wala. Kung may gagawin man ako para sakanya. Para sa ikasasaya nya, gagawin ko ito sa paraang alam kong kaya ko.
Kasi ang effort para sa mga babae… Hindi naman kailangan sagad-sagarin eh. Hindi mo rin kailangan sumungkit ng mga bituin, hindi mo rin kailangan tumulay sa mga alambre o tumalon sa eroplano. Yung simpleng pagbuhat mo lang ng bag nya, yung simpleng paghatid mo sakanya. Tulad nga ng sinabi ko kanina.. Malaking bagay ang mga ito.
Paano naging malaki?
Kasi ginagawa mo ang lahat ng mga ito, hindi para magpasikat sa iba. Kundi ginagawa mo ito para sakanya.. Para maramdaman nya pa lalo ang sinsiredad at pagmamahal na meron ka para sakanya..

Basta gusto ko, ako.. Gusto ko lagi, nandon ako.. Sa pag-iyak man, sa pag-tawa, sa paghalakhak, sa pagluluksa, sa kahirapan man o kahit ano pa. Gusto ko nandon ako. Gusto ko nandon ako para sayo kasi meron kang malaking parte sa buhay ko. Gasgas man kung sabihin, ginagawa ko ito dahil mahal kita. Sasabihin ko pa rin sayo, nandito ako dahil mahal na mahal kita.”

(c) to Roger
2011
IAS

"Bros before Hoes"

 

Girl: I have something to tell you,
Ikaw talaga gusto ko letting your bestfriend court me
means i could spend more time with you so ginamit ko yun
to know you better and all. Sorry selfish pero yun talaga
dahilan ikaw ang gusto ko di yung best friend mo:(

 

Me: The moment you let my bestfriend court you means we can not be together at all. Bestfriend ko yun gusto man kita o hinde i will definitely choose him over you. Sorry.

--Selfish

Boy braces
2010
IARFA

bottom of page