FEU SECRET FILES
Best of 2014
For Very Bad Girl and Mr. Nice Guy's followers, here are
the links of posted entries. Enjoy their story.
The very first confession from Very Bad Girl
https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/772004366168978
Mr. Nice Guy's first response
https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/774282115941203
Very Bad Girl's revelations
https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/775165412519540
Mr. Nice Guy knows it
https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/776256285743786
Mr. Nice Guy's open letter
https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/777566748946073
PNP SAF 44
"This country is not worth dying for"
- PNP SAF Trooper
NOT WORTH DYING FOR, INDEED!
"My dad is one of the policemen who died in the war in Mamasapano Maguindanao last January 25. My family is still grieving from his death.
Palagi kong sinasabi sa tatay ko na sana mag retire na siya. Marami namang ibang trabaho diyan. Yung safe, yung hindi kami kinakabahan tuwing aalis sya. "Ipag dasal mo nalang ako anak" yan lang palagi ang isinasagot niya sakin. Yung pakiramdam na halos hindi kami makakain, ni hindi rin kami makatulog, hindi ako makapag aral ng maayos sa tuwing iisipin ko, "KAMUSTA KAYA SI PAPA?" "NASA MABUTING KALAGAYAN KAYA SIYA?" Mga katanungan na pilit na bumabagabag sa isip ko tuwing maaalala kong nasa bingit ng kamatayan ang tatay ko. Na baka may isang araw na hindi na siya umuwi ng buhay, kaya gabi gabi kong ipinagdarasal sa dyos, "Lord, wag nyo pong hahayaan na may mangyaring masama sa tatay ko. Palagi nyo syang gagabayan."
Pero noong January 24,
The last text that I've received from my father
"Nak mag-aral ka ng mabuti. Ingatan mo sina mama pati si baby ha. I lab u smile emoticon"
(copy + paste from his last message)
Kinabahan na ako kasi kahit kailan hindi naging sweet si papa ng ganyan, hindi rin siya nag tetext sakin puro tawag lang. Naiyak ako nung pagkakataon na yun. Na replyan ko pa siya.. "Papa mag ingat ka palagi. Mahal na mahal ka namin" - di na siya nag reply.
January 25,
Hindi ako nakapanood ng balita dahil walang tv sa dorm ko. Wala akong ka alam alam sa mga nangyayari sa mga kapulisan sa mamasapano. Wala akong kaalam alam sa nangyayari sa tatay ko. Pero bago ako natulog naririnig ko ung mga dormmates ko na may pinag uusapan tungkol sa saf.
January 27, 4am.
My mom called me, "anak si papa"
Humahagulgol siya, nanginginig ung boses niya. Hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin. Kinakabahan na ako.
- Ma anong nangyari kay papa?
Ang tagal nyang sumagot. Iyak siya ng iyak.
- MA ANO NGANG NANGYARE?!!!
"Patay na si papa"
My head was starting to pound so hard, my hands were trembling, and my tears were starting to form at the corner of my eyes.
"Kasama siya sa mga namatay na pulis sa maguindanao"
Tears finally fell from my eyes. I can’t breathe. I’m choking. My phone fell from my hand.
Iyak ako ng iyak. Walang tigil. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Wala na si papa. Si papa na huli kong nakita na nakangiti, ngayo'y huli kong nasilayan na nasa isang kwadradong ataul. Wala ng buhay.
Hanggang ngayon hindi namin matanggap lalo na't paulit ulit ibinabalik at pinapaalala ng media ang kinahinatnan ng mga pulis sa kamay ng MILF. Hindi namin matanggap na hanggang ngayon, wala paring hustisya. Sagad sa buto ang galit ko sa mga nasa itaas lalong lalo na sa gobyerno na hanggang ngayon ay nag huhugas kamay at nag tuturuan kung sino ba dapat ang managot sa pagkamatay ng mga bayani sa Masasapano. Sana nga'y bangungutin sila ng kanilang mga kunsensya.
At para sa mga MILF, BIFF at iba pang rebelde na walang habas na pumatay sa mga kapulisan at sa tatay ko, sana maramdaman nyo kung gaano kasakit mawalan ng kapamilya. Hindi man kayo ang mamatay, ung mga anak nyo, magulang, mahal sa buhay sana ang mawala sa inyo. Alam kong mali humiling ng ikasasama ng iba, pero kung may kakayanan lang ako, ako ang papatay sa inyo. Babarilin ko rin kayo sa mukha gaya ng ginawa nyo sa tatay ko. Parusahan man ako sa itaas, tatanggapin ko, basta nabigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ng tatay ko.
Tay, saludo ako sa katapangan mo, ipinagmamalaki kita at patuloy na ipagmamalaki sa mga magiging anak, apo, at iba pang magiging henerasyon mo hangga't nabubuhay ako. Nagampanan mo ng maayos ang trabaho mo, walang labis, walang kulang. Sana masaya ka na dyan sa taas. Mag aaral ako ng mabuti, itutuloy ko ang pangarap mo sakin na maging isang abogado ng sa ganon maipag tanggol ko sa lahat ang mga taong hindi naranasan ang hustisya gaya ng nangyari sa'yo. Mahal na mahal ka namin ni mama, ako na ang bahala kay bunso. Ako na ang tatayong padre de pamilya sa bahay natin palagi mo nalang sana kaming gagabayan at sana tulungan nyo ang mga otoridad para panagutin ang mga taong dapat managot sa pagkawala ninyo. RIP tay, saludo ako sa'yo."
Atty.
201*
IAS
AW AW AW
Final exam question:
If you were a dog, how could you explain the execution of Gomburza and the war between Magdiwang and Magdalo? You have 3 pages to answer the question.
(I don't even know what to write because I'm always absent and when I attend the class, I didn't listen to my prof's lectures)
So that, My answer: Aw aw aw aw aw aw aw aw aw aw aw aw.... 3 pages na puro AW AW AW! Naisip ko, bahala na si batman. Bagsak o hindi okay lang saken, isusummer ko nalang.
Tapos naririnig ko ung mga blockmate ko, "uy ano nilagay nyo? Ako kasi, shihtzu, ah ako labrador, ah ako k9" then ung mga explanations daw nila...
Kabadong kabado na ko, sabi ko nalang sa sarili ko "Ah, wala na. Singko na ko"
Next meeting, nawawalan nako ng gana tignan ung exam ko. Alam ko na namang itlog eh. Eh pota nung binigay ng prof yung exam paper, Boom panes!!! Ako ang highest, naka uno pa ako sa kanya sa final grade. Tanginang Shet di ako makapaniwala! :)))))
Sabi ni prof sa class, pano kayo makakapag explain kung aso kayo? Common sense. Si Mr. De la cruz lang ang nakasagot ng tama sa inyong lahat.
Thank you lord, Hahaha!
Aso
2011
IAS
TANG AMA
Kasagsagan ng exam sa Speech. Tahimik na tahimik sa classroom dahil nag coconcentrate ang lahat sa pag sagot.
Biglang nag taas ng kamay ung kaklase naming korean.
Korean classmate: Maam!
Prof: Yes?
Korean classmate: *tumayo sabay sigaw ng* PUTANG AMA MO!
Prof: What??!
*gulat at pagalit na tanong ni prof*
Korean classmate: PUTANG AMA MO! Tapos tumuro sa pinto. PUTANG AMA MO!
Prof: You mean you want to go out?
Korean classmate: Yes yes.
Pag labas ni korean classmate. TAWANAN KAMING LAHAT. HAHAHAHA.
Prof: Tang ama ko daw?! Hahahaha Naturuan ng mga loko lokong pinoy siguro yun. I-OOSA ko na sana eh.
HAHAHAHAHAHAHA. Kawawang korean.
Blockmate
2014
IAS
Earphones
"Ang couple parang earphones. Minsan biglang hindi mo maintindihan ung left, minsan sabog na ung right, tapos eventually masisira na yung isa sa kanila. Pero yung pinaka masaklap eh yung mawawalan na ng tunog yung right and left. Magpapalit ka nalang ng bago.
Wala talagang forever sa mundo. Pakshet frown emoticon
wasak na wasak
2011
IABF
CONDOM-minum
Classmate: "Sir for you, where can you compare life?"
PROF: "Ummm, for me.. Life is like a box of colored condoms.
Us: WHY?!!
PROF: It doesn't matter what you pick, you're still going to get screwed."
HAHAHAHAHAHA. YOU DA CHOSEN ONE!
Christian Grey
2012
IAS
KANDILA DAW, SABI NI GAGO
I was searching for a pick up line for my boyfriend, and luckily I found one and..
ME: "Baby, hangin ka ba?
HIM: Why?
ME: "Because I can't live without you eh"
HIM: Oh, so sweet. Ako naman.
Baby Kandila ka ba?
ME: "Bakit?" (with matching kilig)
HIM: Gusto kasi kitang ihipan para mamatay ka na eh.
ME: "Gago ka pala e!"
HIM: Joke lang. Napanood ko lang yun sa TV. Hahaha
ME: "Ewan ko sayo punyeta ka!"
Wala ng poreber hayop
2011
IABF