top of page

#‎Whogoat‬

 

Meanwhile in our class...

Prof: Bakit nga ba kailangan pang hintayin ng groom ang kanyang bride sa tapat ng altar kung pwede naman silang lumakad ng sabay?

 

"Kasi ang lalake kailangan marunong talagang mag hintay. Hintayin ang babaeng pinakamamahal nila kahit gaano pa ka tagal."

Kami: Wow! Ganon pala yun. Alam nyo na mga abangers ha?! Hahahaha!

Psych
2011
IAS

frown emoticon

 

Ako yung tipo ng tao na hindi ko papayagang maging malungkot ang mga tao sa paligid ko. Mga kaibigan ko at lalong lalo na ang nanay at mga kapatid ko. Mahilig akong magpatawa kahit mag mukha na kong tanga, tumambling tumbling mapatawa ko lang sila. Mahilig din akong magbigay ng advice, magbigay ng tulong kapag may problema sila. Ayaw ko ng ganon eh. Gusto ko lahat ng tao sa paligid ko masaya kaya siguro marami akong kaibigan.

Pero ang hindi nila alam, ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Madalas mag away ang mga magulang ko. Nakikita ko kung pano gulpihin ng tatay ko ung nanay ko kapag lasing siya habang ung mga kapatid ko nag iiyakan. May time din na muntik na akong hindi makapag aral dahil wala kaming pera. Madalas wala na kaming makain. Pumapasok ako na pamasahe lang ang dala ko at inuutang ko pa yun sa mga kapitbahay namin. Kapag nag aaya yung mga kaibigan kong kumain sa labas sasabihin ko diet ako kaya isang sky flakes at tubig na nirerefill ko pa sa school lang ang dala ko. Sanay na nga rin akong mag exam na kumukulo ang tyan eh. Taoos yung kapatid kong may downsyndrome madalas walang nag aalaga kasi ung tatay ko nasa sugalan. Yung nanay ko naman uuwi galing trabaho pagod na pagod tapos bubugbugin pa ng tatay ko kapag hindi binigay ung sweldo. Ako uuwi sa bahay walang laman ang tyan pero madadatnan ko walang pagkain at nag iiyakan ang mga kapatid ko kasi pati sila gutom din. Ang ginagawa ko nalang nag jojoke nalang ako sakanila para malimutan muna nila ang gutom habang nag hihintay kami sa nanay namin.

 

Kahit sino sa mga kaibigan ko walang nakakaalam sa kalagayan ko at ng pamilya ko. Ang alam nila palagi akong masaya. Minsan nag tatanong sila "alam mo nakakainggit ka. Ikaw ung taong parang walang problema eh" tapos ako, ngingiti nalang at napapaisip ng "kung alam nyo lang". By the way scholar ako kaya walang ginagastos ang magulang ko sa pag aaral ko. smile emoticon

HappyMan
2012
IAS-MT

Dear Baby,

 

Baby, di ko man kayang bilhin ung mga bagay na gusto mo ngayon, hindi man kita madalas maregaluhan, di man kita madalas mailibre pero wag ka mag alala pangako kapag nakapag tapos ako ng pag aaral at nakapag trabaho ibibigay ko lahat ng gusto mo. Pero sa ngayon, pag mamahal at pagiging tapat nalang muna ang maibibigay ko. Alam mo naman na sapat lang ang pera ng mga magulang ko sa probinsya at nakakapag aral lang ako dito sa feu dahil sa pagiging scholar ko. Sorry kung hindi ako katulad ng mga ex mo noon na kayang ibigay ang mga bagay na gusto mo. Sorry talaga. Pero naniniwala naman ako na mas mahalaga ang tunay na pag mamahal kesa sa materyal na bagay. Balang araw maipagmamalaki mo rin ako sa mga magulang mo, masasabi ko na rin sa kanila na, oo kaya ko pong buhayin ang anak nyo. Sana wag kang susuko, sana wag kang mag sawa dahil lahat ginagawa ko para maging maganda ang future natin. Lahat ng paghihirap ko sa pag aaral para maimantain ang scholarship at latin honor ko, inaalay ko lahat sayo. Mahal na mahal kita baby.

 

Pobre
2012
IAS-MT

I love her.. so much.

 

Ipinagpalit ako ng girlfriend ko sa ibang lalake kasi hindi ko daw maibigay ung need niya which is yung SEX. Sobrang unfair ko daw at sarili ko lang ang iniisip ko. Pero mali ba na isipin ko muna ung magiging consequences ng bagay na yun kapag ginawa ko sakanya? Madali lang naman ang makipag sex sa babae kayang kaya ko yun at gustong gusto ko narin maranasan yun pero ang isipin kong mabubuntis ko siya at masira ang kinabukasan niya napapa atras nalang ako. Mali ba yun? Unfair bang hindi ko sinira ang tiwala ng magulang niya na ibinigay sakin? mali ba na isipin kong hindi ko pa kayang bumuhay ng asawa at anak kung sakaling madisgrasya ko siya? Pareho pa kaming estudyante at alam kong hindi ko maibibigay ang pangangailangan nila kung sakali. Ayoko muna siya galawin kasi hindi pa ako handa. Ginagalang ko siya pati ang magulang niya. Ayaw ko rin madisappoint sakin ang magulang ko kasi gusto ko pa silang tulungan. Ang sabi ko mag hintay lang siya after namin grumaduate para atleast man lang nakapag tapos kami pareho pero wala eh. Hindi siya nakapag hintay. Ipinag palit niya na ako sa iba frown emoticon Ang sakit lang na kapakanan niya na nga ang inisip mo pero iniwan ka parin. Mahal na mahal ko siya kaya ko ginagawa yun. Ang sakit sakit lang cry emoticon Pasensya na guys dito ako nag drama. Wala lang talaga akong mapag labasan ng sama ng loob. huhuhuh

 

FuturisticMan
2012
IAS-PSY

bottom of page