top of page

Sabaw moments

 

Sabaw moments, madalas mangyari sakin to kapag exam week. Puyat kasi sa pag rereview atsaka hindi ako mahilig kumain kapag umaga madalas din late ako nagigising.

1. Naalala ko pa august non, mag wiwidraw ako sa BPI sa science building pero imbis na ATM ang ipasok ko, ID ko ang naipasok. Hirap na hirap akong makuha ulit yung ID ko sa loob kaya kinailangan pa magpatawag ng technician. Huhu

 

2. Nagpaload ako pero student number ko ang naibigay ko. Pakshet kaya pala nagtataka ung tindera kung bakit 10 digits lang.

3. Nagbayad ako sa jeep,
Manong: San to?
Ako: archaebacteria
Manong: Huh?!
Ako: Ay sorry, morayta po!

4. Lalabas na ako ng gate pero nag sswipe parin ako ng ID. Sabog lang.

5. Nakarating na ako ng SB second floor na bukas parin ang payong ko.

6. Umorder ako sa jollibee ng chicken fillet at coke float.

7. Lumabas ako ng dorm na naka boxer short lang tapos naka white uniform sa pantaas buti nalang hindi ako umabot sa FEU kung hindi tatalon na ako sa Pasig River sa kahihiyan.

Boom lutang!

Lutang101
2011
IAS-MT

Eksena sa EB pila ng elevator:

 

(May sumingit na dalawang babae sa pila kasi may kakilala sa harapan)

Me: Hoy pumila kayo sa likod!

 

Tropa nung sumingit: *taas kilay* Bakit teh? Kakilala ko yan!

Me: So? Excuse ba yon para magpasingit ka?!

Them: *inirapan ako di parin sila umalis*

Me: *sumingit sa harapan nila, nagtawag ng limang kaklase na nakapila din sa likod*

And I asked her, "Now you know how it feels?" *smile with wink* smile emoticon

Revengeance
201*
ITHM

Thanks Tamaraws

 

Hi, First of all I'm not from FEU. I'm from De La salle Manila. This is my first time to write a story/send a story in a University files because I think this story is worth sharing for.

Dati hindi talaga maganda ang tingin ko sa mga taga FEU kasi sa mga naririnig ko from my kapwa Lasallians. Ginegeneralize nila ung mga universities along U-belt. But today, it changed perceptions and wrong beliefs. So may nakasabay akong isang group ng mga taga FEU students sa isang fx sa QC. They are sitting in the middle part ng fx ung apatan. Occupied nila ung seats kasi apat din sila at ako sa front seat nakaupo. May katabi akong manong na around 36-40 ang age. Sa haba ng biyahe nakatulog ako and without knowing ung manong na katabi ko humahawak na pala sa breast ko tapos na feel ko na parang may humahawak sa nipples ko kaya nagising ako then I was shocked ng makita ko ung kamay nung manong na nakahawak sa breast ko. Tumili agad ako ng "TULONG" then ung apat na guy students nag tanong kung anong nangyayare tapos sabi ko "Eh etong manyak na to hinahawakan ung boobs ko!" Tapos pinatigil nung mga lalake ung FX sabi nila "Ay puta! Manong tigil nyo to!".. Hinarang nilang apat ung katabi ko, binuksan nila ung pinto tapos ginulpi nila ung manyakis tapos sinamahan nila ako papuntang Police station hawak hawak ung manong para idemanda siya.

 

After non niyaya ko silang kumain sa labas treat ko para sana pasasalamat pero sabi nalang nila "Miss hindi namin kailangan ng kapalit. Okay na samin ung tumulong kami lalo na sa babae. Sana lang mag iingat ka sa susunod at wag pa tulog tulog" at yun umalis na sila.

Lubos ang pasasalamat ko sa inyo mga kuya. Hindi lang kayo gentleman, matulungin din kayo. Salamat talaga. smile emoticon

Akira
CLA 112
DLSU

bottom of page